Lunes, Agosto 15, 2011
"Agos Ng BUhay"
Minsan, sinabi kong suko na ako
Dahil ba sa takot ako?
Bakit tadhana'y sadyang mapaglaro?
Dahil ba ang buhay ay talagang ganito?
O! Diyos ko, anu na ang gagawin ko?
Noon paman, problema'y punong-puno
Hindi maiwasang sayo ay magtampo
Pagtatampong walang katuturan
Sa puso't diwang nilalaman
Araw at gabi ako'y nagdurusa
Sa sabi-sabing ako'y walang pag-asa
Siya,silang lahat ay walang kwenta
Laging sa akin nanghuhusga
Anu ba ang naging kasalanan?
Kung bakit ako'y iyong pinabayaan
Nag-iisa sa madilim na sulok
Naghihintay ng isang katok...
Naghihintay ng isang katok...
Minimithing minsa'y sadyang gumuho
Pag-asang sana'y huwag maglaho
Daan patungo sa pag-asang puno
Daan patungo sa pag-asang puno
Para makamtan ang buhay sa tutok ng mga pangako.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)